80

Sep 18, 2019 @ 11:03
By

Thirdy, Go syut sa SEA Games pool

Naisumite na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee ang 24-man pool para sa 30th SEA Games 2019 na iho-host ng bansa sa parating na November 30-December 11.

Wala pa nga lang coach ang pool, dahil ‘di pa nakakapili ang SBP ng kapalit ng nag-resign na si Yeng Guiao.

Halong pros at collegiate players ang nasa pool.

‘Di inisa-isa ni SBP president Al Panlilio ang nasa pool, pero nabanggit niya sina Christian Standhardinger at Stanley Pringle.

Sa amateurs ay mga pangalan nina Thirdy Ravena at Isaac Go.

Paraan daw ito ng SBP para makahubog ng ibang players, mga bata.

“If you see the mix of the players, may mga amateur,” aniya.

Bibigyan din umano ang bagong coach ng tsansa na maglagay ng gusto niyang player sa pool.

Kapag nagkataon, unang beses na maglalagay ng pros sa National team na isasabak sa SEAG. Dati ay puro amateurs lang ang ipinapadala sa biennial games.

Sa Sept. 30 ang deadline ng submission ng mga pangalan na planong isali sa isang event sa SEAG.

Si SBP chairman emeritus Manny V. Pangilinan aniya ang nagsabi na pagsamahin ang pros at amateurs sa national team.

“We want to have some youth movement also, so we want to have some collegiate players and get the necessary experience,” paliwanag ni Ryan Gregorio, special assistant ng SBP president. “Kailangan rin may veteran leadership that we can get from the PBA.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?