8

Sep 26, 2020 @ 22:43
By

Thirdy babangga sa robot?

POSIBLENG humarap sa sa malaking hamon si three-time UAAP champion Thirdy Ravena.

Bukod kasi sa nalalapit nitong Japan career bilang import ng San-En NeoPhoenix sa B. League ay may tsansa ring makasagupa nito ang isang basketbolisitang robot sa Three-Point Shootout.

Binansagan ang nasabing robot na obra ng Toyota Motors na si ‘CUE4’, 6-foot-8 at may jersey no. 94 .

Makikita sa ilang videos online na lumahok ang nasabing robot sa 3-point shootout kung saan nagtala ito ng 12 points.

Kung lalahok sa three-point contest si Thirdy ay posibleng makalaban nito si ‘CUE4’ dahil kaya nitong gumalaw mag-isa, pumulot at mag-shoot ng bola.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?