117
Thirdy, Ateneo bida sa unang araw ng UAAP 3x3
Mar 2, 2019 @ 20:08
By

Thirdy, Ateneo bida sa unang araw ng UAAP 3×3

Pakitang-gilas agad ang Ateneo standout na si Thirdy Ravena sa primer ng UAAP Season 81 3×3 tournament, Sabado sa Ayala Malls Feliz sa Pasig City.

Walang nakahanap ng butas sa matibay na kalasag ng mga agila, perpektong 3-0 sa kanilang naging unang salang sa 3×3 na pinangungunahan ni Thirdy Ravena, kasama sina Angelo Kouame, Matt Nieto at Matthew Daves.

Unang tinigpas ng Ateneo ang Adamson sa iskor na 14-11, isinunod ang National University (13-8) at FEU (12-8) para makauna sa standings.

Sunod sa kanilang likuran ang University of the Philippines na wala si Kobe Paras, 3-1, at La Salle na may parehas na kartada.

Para naman sa UP, nagpamalas ng galing ang Fiba 3×3 contender na si Ricci Rivero, kasama ang magkapatid na sina Juan at Javi Gomez de Liano, at Will Gozum, tinalo ang FEU, 13-11, ngunit nabigo kontra UST, 12-8.

Ang La Salle naman ay pumuntos ng panalo kontra sa Adamson, 15-13, NU, 12-10, at FEU, 17-9, na pinangunahan nina Encho Serrano, Mark Dyke at Christian Manaytay.

Hindi naman sumalang ang UE sa nasabing event.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?