315

Nov 7, 2017 @ 16:48
By

Thinking Pinoy blogger isusumbong ni Roque kay Digong

Personal na ipaparating ni Presidential Spokesman Harry Roque kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga banat laban sa kanya ni RJ Nieto, ang blogger na may alyas na “Thinking Pinoy ” matapos pakiusapan ang mga Diehard Duterte Supporters na huwag atakehin ang mga mga lehitimong mediamen dahil hindi kalaban ang mga ito.

Sinabi kahapon ni Roque na bahala na ang Pangulo na pag-isipan kung nagkamali nga ba ito sa pag-appoint sa kanya bilang tagapagsalitra nito tulad ng ipiangwagwagan ni Nieto sa kanyang blog.

Wala aniya siyang nakikitang mali sa pahayag na itaguyod ang kalayaan sa pamamahayag dahil ito naman ang nararapat .

“I will tell the President that Mr. Nieto has said that I should be removed. I will relay that to the President.it’s a matter that he should address to the President because the President appointed me.I stated what I think is right, and I stated what I think is true. I am a spokesperson, I deal with the Malacañang Press Corps and I have long been an advocate of freedom of expression. I leave it at that,” ang pahayag ni Roque.

Binigyang-diin ng kalihim na malinaw ang utos sa kanya ni Pangulong Duterte, ang gawin ang tama at sabihin ang totoo, at wala itong alam na nagkamali siya sa kanyang mga naging mensahe sa mga DDS.

Binigyang-diin ni Roque na hindi niya sinisikil ang kalayaan ng social bloggers at bukas siyang tumanggap ng mga kritisismo.

“My role is a spokesperson. I communicate Palace messaging to the people in general that includes the social media.So I speak as a spokesperson of the President to all Filipinos especially to those who, I believe, should have a better understanding of what the President is doing and what the President is saying,” ang dagdag na pahayag ni Roque.

Kasabay nito, nilinaw ng kalihim na hindi niya kaaway si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson dahil malaki ang potensiyal nito at maraming tagasunod sa kanyang blog na maaaring makatulong sa nation building.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?