136

Jan 22, 2020 @ 16:04
By

Think before you click! Yassi pinagtanggol si Issa

Hindi na nakapagtimpi si Yassi Pressman sa mga basher ng kanyang kapatid na si Issa, na nili-link sa hiwalayang Nadine Lustre at James Reid.

Matatandaang kahapon, isang araw matapos kumpirmahin na hiwalay na nga ang JaDine, inulan ng batikos si Issa na third party umano ng ex-couple.

Nadawit din si Yassi, maging ang kanilang barkada, dahil kinukunsinti umano ang pangangaliwa ni James.

Kaya naman naglabas na ito ng larawan mula sa hangout nina Nadine at barkada nila, at sumagot sa mga alegasyon na kumakalat online.

View this post on Instagram

Hindi po papatol ang kapatid ko sa mga sinasabi ninyo 😊 Pero bilang Ate, hindi ko naman po yata kayang panuorin na patuloy po siyang binabato ng mga masasakit na salita dahil nananahimik siya. ~ this was me and nadz last night, watching how some of us become cruel over untrue statements. 😊 Initially we all laughed about how crazy the things that woke us up yesterday were, and then…. they started getting out of hand, at di na yun tama.. Ayaw na po sana namin patulan, but we decided to post something because cyber-bullying is not okay, it is never okay. Be careful with the words you say, and things you THINK are true on social media. They’re not always the truth. Do not be so quick to point fingers, when you do not have the proper information. #thinkbeforeyouclick ~ We’re all okay. Sana po kayo din. Let’s respect everyone. 😊❤️

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman) on


“Ayaw na po sana namin patulan, but we decided to post something because cyber-bullying is not okay, it is never okay,” hayag ni Yassi ngayong Miyerkoles ng hapon, Enero 22.

“Be careful with the words you say, and things you THINK are true on social media. They’re not always the truth. Do not be so quick to point fingers, when you do not have the proper information. #thinkbeforeyouclick,” paalala pa nito.

Sinabi rin ng British-Filipina aktres na hindi papatol si Issa sa mga paratang sa kanya, “pero bilang Ate, hindi ko naman po yata kayang panuorin na patuloy po siyang binabato ng mga masasakit na salita dahil nananahimik siya.”

Nilakip ni Yassi ang larawan nila ni Nadine habang umiinom ng wine, at ang tanong na “If you can tattoo on your body ALL the words you say online, would you be PROUD?”

Nilabas nitong Lunes ng gabi, Enero 20, sa “Tonight with Boy Abunda” ang joint statement nina Nadine at James kung saan sinabi nilang kaya sila naghiwalay ay upang pagtuunan ng pansin ang kanilang mga career at personal growth gayong bata pa sila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?