219
miss-eco
Apr 28, 2018 @ 12:28

Thia Thomalla waging Miss Eco International!

Nakuha ni Cynthia ‘Thia’ Thomalla ang korona ng Miss Eco International nitong Abril 27 sa Egypt.

Siya ang kauna-unahang Pinay na nagwagi sa nasabing patimpalak.

Winalis ni Thia ang 52 pang kandidata para maiuwi ang titulo.

Sa panayam sa kanya ng Missosology matapos koronahan, sinabi nitong gusto lang niya ngayon ay ang kumain at matulog.

Si Miss Indonesia Astira Vernadeina ang tinanghal na 1st runner-up, habang si Nguyen Thi Dung ng Vietnam ang 2nd second runner-up, si Costa Rica Glennys Medina Segura ang 3rd runner-up at ika-apat naman si Kelin Rivera Kroll ng Peru.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?