146

By

#TheWanforAnne wedding bumida sa socmed!

Sharing is caring!

Halos mapuno ang socmed sa mga larawang kuha sa wedding nina Anne Curtis at Erwan Heussaff nong linggo nang madaling araw (Philippine time) mula sa New Zealand kung saan ginawa ang seremonya.

Tatlong araw nang namamayagpag sa Instagram ang mga kaganapan sa kasal ng “It’s Showtime” mainstay at celebrity chef.

Panay ang poste ng mga kaibigan nilang dumalo sa kasal ilang araw bago naganap ang ceremony. Makikita sa mga IG account nina Cheska Kramer, Danica Pingris, Solenn Heusaff at hubby Nico Bolzico, Isabel Daza at husband, Tim Yap, Dr. Vicky Belo with husband Dr. Hayden Kho at ang kanilang anak na si Scarlet Snow, Angel Locsin, Vhong Navarro, Vice Ganda, Luis Manzano & girlfriend Jessy Mendiola at iba pa.

Parang naguunahan pa nga ang mga itong maiposte ang natapos na kasal nang dalawa sa sobrang kasiyahan.

Karamihan sa mga dumalo ay mga first timer kaya naman aligaga ang mga itong magkukuha nang mga larawan sa iba’t-ibang lugar sa NZ.

At nang maganap na nga ang wedding magkakasunod nang nagposte ang mga nabanggit para batiin ang mga bagong kasal.

Hindi nabigo ang mga fans nina Anne at Erwan sa update ng kanilang kasal dahil sa mga postings ni Tim Yap pagkatapos ng kasal. Sunud-sunod na ipinaskil nito ang mga larawan nang dalawa at sa happy moments sa mga parents ng dalawa.

Simple lang ang kasal pero para sa lahat very memorable, relaxing at breath of fresh air. Unlike sa kasal nina Hayden at Vicky, ang kina Anne at Erwan ay bago sa panlasa ng mga Pinoy dahil sa environment at ambiance na pinadausan nito.

Anyways, official na ngang tinanggap ni Solenn si Anne dahil sa IG post niya ng aktres at ng kapatid nitong si Erwan, sinabi nito sa eve ng wedding na “I will have a new sister soon”.

Kung sabagay, higit pa sa 100 percent na tinanggap na noon pa ni Solenn si Anne dahil noong ma-interview namin ang una bago pa ang kasal sinabi nitong mahal na mahal niya ang kasintahan nang kapatid.

Pabiro pa nga niyang sinabi na papatayin raw niya si Erwan kapag sinaktan nito si Anne. Pero alam naman raw niyang magiging masaya ang aktres sa kapatid dahil love na love raw ito ni Erwan. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?