32

By

Therese Malvar, naka-tie ang sarili bilang Best Supporting Actress sa Cinemalaya

Sharing is caring!

Si Therese Malvar ang itinanghal na Best Supporting Actress sa katatapos lang na Cinemalaya 2018 Awards Night na ginanap sa Cultural Center of the Philippines kagabi, August 12.

Naiiba ang napanalunan ni Therese dahil first time lang nangyari na ang isang aktres ay nanalo ng award at naka-tie ang sarili niya mismo. Ang mga pelikulang entry ni Therese dito ay ang Distance ni Direk Perci Intalan at School Service, mula naman kay Direk Louie Ignacio.

Ilang araw bago ang award’s night, nakapanayam naming muli si Therese at nabanggit niyang masaya na siya sa magandang reviews na natanggap niya sa edition na ito ng Cinemalaya.

“Ayaw ko po mag-expect ng award, basta masaya po ako sa naging reaction and reviews ng nga tao sa Distance and sa School Service,” nakangiting saad niya.

“Like I always say, it’s already an honor if ma-nominate pa lang. Bonus if manalo. But the audience’s reaction is our reward. Sa Distance, ako po si Karla, who’s having trouble coping with the awkward situation their family is in, dahil biglang bumalik ulit ang nanay namin after five years. Karla will also discover who she really is dito sa film.”

Last night, matapos banggitin ang kanyang pangalan bilang winner, napaiyak si Therese habang papunta sa stage upang tanggapin ang kanyang award.

Simula niya sa kanyang acceptance speech, “Noong sinabi pong tie, akala ko po dalawang tao, kalaban ko pala sarili ko. Thank you so much Cinemalaya for being our wings, to soar higher to reach even more bigger audiences, sa lahat ng mga cinemas, thank you so much Cinemalaya.

“Thank you Lord, I did not expect this.

“Thank you to my directors, Direk Louie Ignacio for trusting me na super saya pong mag-shoot sa School Service, kasi, na-enjoy ko pa talaga maging batang hamog. Thank you Direk Perci dahil kahit kaunti lang yung lines, napakahirap po ng mga nuances sa film po ng Distance, so thank you so much for guiding me.

“Ms. Angie, Direk Sha, lahat po ng cast and crew ng School Service and Distance po, may our films be a reminder to always dream big like School Service, the harsh reality of the street children outside, may it be a reality to always love your family because everything starts in your family. Kapag nawalan po ng pagmamahal ang isang pamilya, mawawalan ng inosente at karapatan at dignidad ang isang anak.

“And may Distance be a reminder to all of us to always have closure sa ating family because the biggest distance between our loved ones is misunderstanding and miscommunication. Maraming salamat po.”

Ang ilan pa sa mga nanalong artista kagabi sa pagtatapos ng Cinemalaya ay sina Ai-Ai delas Alas-Best Actress for School Service; Eddie Garcia-Best Actor para sa ML; at Best Supporting Actor-Ketchup Eusebio para sa Mamang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?