21

Theme song ng SEA Games nilunsad na

Nilunsad Biyernes sa 2nd Chef de Mission Meeting sa bansa ang opisyal na awitin ng 30th Southeast Asian Games 2019 na idaraos sa Luzon sa darating na Nobyembre 30-Disyembre 11.

Pinamagatang ‘We win as one,’ ito ay sinulat ni 2018 National Artist for Music Ryan Cayabyab (pinanganak na Raymundo Cipriano Pujante Cayabyab) habang lyrics ay ginawa ni Palanca awardee Floy Quintos.

Mensahe ng tugtugin ang sportsmanship, athletics superiority at artistics achievements ng 11 bansang kalahok sa 12 araw na biennmiel meet, na itataguyod ng mga Pilipino sa pang-apat na pagkakataon.

Buhat ng sumali noong 1977, binalikat na rin ng mga Pinoy ang SEAG noong 1981, 1991 at 2005. Ang huling huling taon ang nagkaloob sa ‘Pinas ng unang pangkalahatang titulo.

Siya Cayabyab din ang composer ng bantog na ‘Kay ganda ng ating musika’ noong 1976.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?