45

Mar 2, 2021 @ 15:09
By

Theme song ng bagong Disney movie, Pinay kumanta

May pasilip ang Disney sa kanilang pinakabagong animated film na “Raya and the Last Dragon” kung saan isang Pinay singer umano ang kumanta ng isa sa mga awitin nito.


“The first Filipino-language song from Disney, sung by one of the Philippines’ most powerful voices. Find out who she is tomorrow. #DisneyRayaPH,” saad ng Disteny Studios sa Instagram post.

Iikot ang kuwento ng naturang pelikula sa buhay ng isang prinsesa mula Timog-Silangang Asya.

Ayon sa ulat ng GMA News, pinaghalo-halong kultura ng ‘Pinas, Vietnam, Thailand, Laos, Cambodia at Malaysia ang makikita sa naturang animated film.

Nakatakdang mapanood sa bansa ang pelikula ngayong Marso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?