254

Aug 11, 2020 @ 22:48
By

Theater actress dinaan sa akting ang inis sa gobyerno

Todo-hagulgol ang isang theater actress para ipahatid ang kanyang pagkadismaya sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa Facebook video ni Kitsi Advincula Pagaspas, dinaan nito sa isang malupit na drama ang patama sa administrasyon na kanyang pinangalanang ‘Gab Yerno’.

“Lahat ng sinasabi mo, sinusunod ko. Sabi mo bawal lumabas, hindi ako lumalabas, four months na ko hindi lumalabas,” mensahe ng aktres kay Gab na tila patama sa striktong lockdown sa Pilipinas.

Pinitik din ni Kitsi ang ayudang binigay ng gobyerno tulad ng social amelioration program, na aniya’y hindi naging sapat.

“Sabi mo padalhan mo ko ng food, nagpadala ka ng bigas, de lata, noodles, pero hindi enough,” ayon pa kay Kitsi.

Nabanggit din ni Kitsi ang mañanita, na dating ginawa ni NCRPO chief Debold Sinas na nakaupo pa rin sa pwesto.

“Kahit anong gawin nila, wala lang sayo. Kahit nakawan tayo!” giit pa nito.

Tila pinatamaan din nito ang nangyaring ABS-CBN shutdown matapos umanong patayin ni ‘Gab Yerno’ ang TV.

“Anong nangyari sa’yo? Huwag mong sabihing hindi ako nakikinig dahil pinakinggan kita kahit trip mong maglabas ng mga saloobin mo sa madaling-araw,” saad pa ng aktres, na tila tungkol naman sa mga late night speech ni Duterte.

May nabanggit pa si Kitsy na naging kaibigan na ang pangalan ay si ‘Chichi’, na malapit sa kaalyadong bansa ni Duterte na China.

“Simula ng naging kaibigan natin ‘yang si Chichi, bakit sa kanya ka na lang lagi nakikinig?” tanong pa nito.

Ang nasabing video ay humamig na ng 365,000 views at 9,700 reactions.

https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=10157766790037153&id=585432152

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?