65

By

Theater actor Tony Mabesa pumanaw na

Yumao na ang batikang theater icon na si Tony Mabesa sa edad na 84-anyos.

Bandang alas-10:15 ng gabi, Biyernes, pumanaw ang nasabing aktor na halos 70 taong naglingkod sa teatro.

“We thank you for your prayers. We hope you can respect the family’s wish for privacy at this time,” ayon sa statement ng Dulaang Unibersidad ng Pilipinas.

Si Mabesa ang isa sa nagtatag ng Dulaang UP kung saan tumayo siya bilang artistic director.

Bukod sa teatro ay nakatawid din sa TV at pelikula si Mabesa, huling gumanap sa ‘Rainbow Sunset’ kasama si Eddie Garcia noong 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?