255

By

Thea Tolentino nasa loob ng kuweba noong lumindol

Laking pasalamat ni Kapuso actress Thea Tolentino na ligtas silang nakalabas ng Lobo Cave matapos tumama ang magnitude 6.5 na lindol sa Eastern Samar nitong Martes.

Sa tweet ni Thea makikita ang na nakasabit pa siya sa rappel habang nasa loob ng kweba.

“This was taken 30 mins before the 6.5 magnitude earthquake here in Samar. We were exploring Lobo Cave when it happened. Thank God walang nangyaring masama while we were inside,” ayon sa kanyang tweet.

Saad pa niya na dapat ay manatiling kalmado sa kahit anong sakuna para makaiwas sa kapahamakan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?