47

By ,

‘The Pacman’ nag-jogging sa Boxing Day celebration

Nakiisa sa pagdiriwang ng Boxing Day si eight-division world champion Manny Pacquiao habang ito ay nasa Amerika.

Walang kinalaman sa sports na boxing ang Boxing Day, dahil ang araw na ito ay tinuturing na secular holiday matapos ang Pasko at nagmula ito sa bansang Great Britain.

Bilang pakikiisa, nag-tweet si Pambansang Kamao sa kanyang at sinabi nitong sinimulan niya ang kanyang araw sa pagtakbo.

“I started my #BoxingDay celebration early with a five-mile run up to the Hollywood Sign, followed by 2,000 situps and other conditioning exercises, and finished the morning with a random test from @Vada_Testing, where I tested positive for excellence. @PBC #PacquiaoBroner,” tweet ni Pacman.

Puspusan na ngayon ang pagsasanay ni Pacquiao para sa kanyang unang pagdepensa sa WBA welterweight title kontra Adrien Broner.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?