10

Mar 5, 2021 @ 18:16
By

The Medical City nilangaw sa COVID-19 vaccination

Tanging apat lang na healthcare worker ng The Medical City ang nagpaturok ng Sinovac COVID-19 vaccine.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, tatlong doktor at isang nurse lang ang kumagat sa bakuna mula Sinovac.

Kaugnay nito, hinimok ni Health Secretary Francisco Duque III ang mga medical frontliner na magpabakuna na kontra COVID-19 dahil wala naman umano silang dapat ikapangamba.

“Tara na, luminya na po tayo. Magpaturok na po tayo. ‘Wag na po tayo magkaroon ng mga agam-agam o pagdududa,” wika niya.

Nito lamang Linggo, Pebrero 28, nang dumating sa Villamor Airbase, Pasay City ang 600,000 doses ng Sinovac COVID-19 vaccine mula China na siyang unang bakuna ng bansa kontra nasabing virus. (VAPA)

BASAHIN: https://tnt.abante.com.ph/sinovac-covid-19-vaccine-dumating-na-sa-bansa1/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?