187
LeBron pinakamayamang NBA player
By

‘The King’ din sa salapi! LeBron pinakamayamang NBA player

Sa panlimang sunod na taon, si LeBron James pa rin ang namumurong NBA star na may pinakamalaking kita sa liga.

Sa inilabas na listahan ng Forbes, $88.7 million na ang naipon na pera ni James noong nakaraang taon, $35.7 million ang nakuha mula sa sweldo at mga bonus, ang $53 million naman ay nanggaling mula sa mga endorsement.

Ang Golden State Warriors star naman na sina Stephen Curry at Kevin Durant ang ikalawa at ikatlo sa listahan ng Forbes, $79.5M kay Curry, samantalang $65M naman para kay Durant.

Ang dati namang kakampi ni Durant na si OKC guard Russell Westbrook ang nasa ikaapat na pwesto na hindi nagpahuli sa kanyang $53.7M na earnings.

Kasunod naman ay ang defending NBA MVP na si James Harden, kumolekta ng $47.4M sa nagdaang season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?