114

By

‘The Hows of Us’ ng KathNiel tumatak sa kasaysayan: Highest grossing film sa ‘Pinas!

Sharing is caring!

Naungusan na ng ‘The Hows of Us’ ang kinita ng pelikula ni Vice Ganda na ‘Gandarrapiddo: The Revenger Squad’ nu’ng 2017 bilang highest grossing movie ng Pilipinas.

Na-break ng KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla) movie ang ’Gandarrapiddo’ ni Vice na kumita ng P571M sa local ticket sales last year. Ang ‘The House of Us’ ay nasa P601,152,867.12M as of Monday. Sila na ang officially highest-grossing Filipino movie in the history.

Hindi pa kasama ang kinita ng pelikula sa international screenings.

Ang ‘THOU’ ang first project ng reel and real love team ngayong 2018 after ng successful “Barcelona: A Love Untold’ nu’ng 2016. Parehong ang pelikula ay dinirehe ni Cathy Garcia-Molina.

Ani Kathryn sa thanksgiving party: “Dumating ako sa point na sumuko na din ako sa magkakasunod na nangyariand they asked me if you want this. Hindi naman ako nabigo, kasi grabe po ‘yung naging tulong nila sa akin, especially Direk Cathy na hindi siya napagod at hindi siya napagod na maniwala sa ‘kin. I felt like she saved me and she did talaga, si Direk Cathy, sa lahat ng praises na nare-receive ko, it’s because of her.”

Ayon naman kay direk Cathy, nilabas lang daw niya ang galing ni Kathryn sa movie. Marami raw kasing nagda-doubt sa capacity ng young actress bilang artista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?