894

Sep 1, 2018 @ 12:20
By

‘The Hows of Us’ ng Kathniel, humahataw sa takilya!

Showing na noong Miyerkules ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ang ‘The Hows Of Us’.

Masaya ang buong staff ng production dahil sa first day pa lang ay kumita na nang husto ang movie.

Maganda ang feedback ng Cathy Garcia-Molina movie. Katunayan nagiging word-of-mouth na ito dahil sa mga kwento ng mga nakapanood na.

Ang ‘The Hows Of Us’ ay istorya ng young couple na long distance ang relasyon.

Matured na nga ang KathNiel loveteam dahil sa struggles na dumarating sa kanilang buhay pinipilit nilang ma-solve agad para hindi lumala ang problema.

Wala pang one week na nasa sinehan ang “THOU’ ay umaabot na sa mahigit P100M ang kinikita. Hanggang ngayon ay humahataw sa takilya ang pelikula. (Beth Gelena)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?