45

By

‘The Hows Of Us’ ng KathNiel higit kalahating bilyon na ang kita!

Sharing is caring!

Walang dudang ang ‘The Hows of Us’ ang pinakamatagumpay na pelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ngayon lang nangyari na inilampasong muli sa kita ng isang pelikulang Pinoy ang mga palabas na Hollywood movies. Kaya malaking achievement ito sa KathNiel tandem.

Mula nang ipinalabas ang pelikulang ito last August 29, patuloy ang pamamayagpag sa takilya ng The Hows Of Us na kumita na ng higit P500 milyon last Sunday o 12 araw mula nang ilabas sa mga sinehan sa buong bansa, ayon sa Star Cinema.

Umabot na sa P505,672,777 ang kinita ng bagong pelikula ng tambalan nina Kathryn at Daniel as of September 9.

Kaya sa ngayon, September 11 ay posibleng paakyat na ito sa P600 million mark.

Ito ang kauna-unahang pelikula ng KathNiel na lumagpas sa P500 milyon ang kita. Tig-P300 milyon ang kinita ng mga sinundan nitong pelikulang “Can’t Help Falling in Love” noong 2017 at “Barcelona: A Love Untold” noong 2016.

Sinusundan ng “The Hows Of Us,” na dinirek ni Cathy Garcia Molina, ang kuwentong pag-ibig nina Primo (Padilla) at George (Bernardo).

Kabilang sa mga temang tinatalakay ng pelikula ay kung paano at bakit nananatili ang dalawang tao sa isang long-term relationship o pangmatagalang relasyon.

Inaasahang sa international screenings ng KathNiel movie’ng ito, na magsisimula sa UAE, Papua New Guinea, Brunei, Malaysia, Saipan, at Canada, ang pelikulang ito ni Direk Cathy ay lalo pang tatabo sa takilya!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?