242

Aug 31, 2018 @ 20:14
By

‘The Clash Top 12’ gugulatin ang mga Kapuso

Isang exciting na regalo ang hatid ng Top 12 contenders ng The Clash sa Kapuso viewers ngayong Setyembre.

Sisimulan na ngayong Sabado (Setyembre 1) at Linggo (Setyembre 2) ang ‘Isa Laban Sa Lahat’ round na pinakahuling round ng labanan sa kantahan. Alamin kung ano ang mga twists na hatid ng round na ito na siguradong babago sa takbo ng kumpetisyon.

Sino sa kanila ang makakakuha ng boto ng The Clash Panel na sina Comedy Concert Queen AiAi Delas Alas, Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, at Asia’s Nightingale Lani Misalucha?

Samahan si Clash Master Regine Velasquez-Alcasid sa isa na namang exciting episode ng The Clash ngayong Sabado (Setyembre 1) pagkatapos ng Pepito Manaloto at Linggo (Setyembre 2) pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko sa GMA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?