16
views

By

‘The Big One’ tinutukan sa int’l quake response exercise sa PH

Sharing is caring!

Natapos na ang isinagawang International Search and Rescue Advisory Group 2018 Asia-Pacific Regional Earthquake Response Exercise sa Fontana Convention Center, Clark Freeport Zone sa Pampanga.

Ang Pilipinas ang host ngayong taon sa pandaigdigang aktibidad sa pamamagitan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, 220 na mga banyaga mula sa 27 mga bansa at 286 na mga local participant ang nakiisa sa aktibidad.

Kabilang sa apat na araw na event ang tatlong araw na simulation exercise na nakatutok sa mga paghahanda para sa inaasahang the “big one” o magnitude 7.2 earthquake sa Metro Manila.

Nagpasalamat naman si Jalad sa mga foreign participant at international organizers sa aktibong pakikiisa sa malaking aktibidad. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?