1,626

By

The best ka ‘The Beast’! – Vice Ganda kay Calvin Abueva

Sharing is caring!

Bigo mang makaalpas sa semifinals si Phoenix Fuel Masters star Calvin Abueva, may isang tao pa rin ang todo-suporta sa manlalaro sa kabila ng kabiguan.

Talo ang Phoenix kontra Meralco Bolts sa overtime, 108-103, at bagamat nakaiskor ng 10 puntos si Abueva, malas ang kanyang tirada sa 4-of-18 field goal.

Sa Twitter post ng komedyanteng si Vice Ganda, hanga pa rin ito sa nagawa ni ‘The Beast’, na muntikan pang ipanalo ang laban sa regulation period sa kanyang back-to-back crucial shots.

Ang dalawa ay kilalang malapit na magkaibigan, madalas manood ng laro ni Abueva ang ‘Unkabogable’ star at nagkakasama rin kahit sa labas ng court.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?