95

By

‘The Beast’ limousine, ipinagmalaki ni Trump kay Kim

Sharing is caring!

Ipinakita ni President Donald Trump kay North Korean leader Kim Jong Un ang kanyang presidential limousine na “The Beast” sa historic summit sa Singapore ngayong Martes.

Matapos ang pagpupulong at working lunch ng dalawang lider, naispatan sina Trump at Kim na lumapit sa itim na bulletproof limousine na may palamuti ng American flag.

Sa muwestra ni Trump, binuksan ng Secret Service agent ang kanang passenger door.

Kitang nakangiti si Kim, saglit nitong sinilip ang loob ng sasakyan ni Trump bago bumalik sa paglilibot sa Capella Hotel ang dalawang lider.

Gawa sa Cadillac DTS ang “The Beast” limousine.

Mayroon umano itong 8-inch na kapal ng body armour plating at 5-inch na kapal ng bulletproof windows, para protektahan ang Presidente sa lahat ng uri ng banta kabilang na ang chemical attacks, ayon sa report.

Ayon kay Trump, positibo ang naging pagpupulong nila ni Kim.

“We had a really fantastic meeting. A lot of progress. Really very positive. I think better than anybody could have expected. Top of the line. Really good,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?