36

Feb 17, 2021 @ 10:47
By

‘The Beast’ biglang na-trade! Abueva, Lee tandem pasiklab sa Magnolia

May bagong katatakutan ang mga PBA team sa nabuong bagong superstar duo sa liga.

Ito’y matapos ianunsyo ng PBA na mapupunta na si Calvin Abueva sa Magnolia kapalit ni Chris Banchero, na biyahe naman sa Phoenix Super LPG.

Ang naturang trade ay inaprubahan na ng PBA.

Kasama sa nakuha ng Phoenix ay ang sixth overall pick ng Magnolia sa parating na 2021 PBA Rookie Draft, pati na rin ang second-round pick ng Pambansang Manok.

Binigay naman ng Phoenix sa Magnolia ang kanilang 10th overall pick sa March 14 draft.

Kakapirma lamang ni Abueva ng three-year contract sa Phoenix bago siya i-trade, at naging Best Player of the Conference contender pa sa nagdaang PBA bubble.

Dahil sa trade, makakasama ni Abueva ang isa pang bigating player ng Magnolia na si Paul Lee.

Samantala, titimunan naman ni Banchero ang puwersa nina Matthew Wright sa Phoenix, kasama pa sina big man Justin Chua at Jason Perkins.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?