820

Dec 11, 2017 @ 13:20
By

‘That’s Entertainment’ reunion dinagsa ng mga sikat

Star-studded ang ginanap na reunion/Christmas party ng That’s Entertainment nu’ng December 10 sa Salu Restaurant sa Quezon City. At siyempre, ginawa nilang lahat ‘yon para alalahanin din ang namayapa nilang discoverer, mentor, si Kuya Germs (German Moreno).

Well, nagsama-sama nga sa event na ‘yon ang Kapuso, Kapamilya stars, na matagal na ngang hindi nagkikita-kita, nag-uusap-usap, na kung magkita man minsan, parang hi and hello na lang.

Hindi nga tulad noon na halos araw-araw ay magkakasama sila sa ‘That’s Entertainment’. Kaya for sure, nabuhay muli ang dugo ng fans ng mga artistang ito.

Star-studded dahil sina Piolo Pascual, Ruffa Gutierrez, Ian Veneracion, Karla Estrada, Keempee de Leon, Harlene Bautista, Romnick Sarmenta, Jean Garcia, Chuckie Dreyfus, Ana Roces, Ramon Christopher, Tina Paner, Vina Morales, at marami pang iba, ang nagsidatingan.

Makikita `yon sa Facebook account ni Vince Berba na dati ring taga-That’s…

Hindi ako sure kung sino ang organizer ng reunion nilang ‘yon, pero sure ako na malaking role ang ginampanan ng mag-asawang Harlene at Romnick dahil sa restoran nila ginanap ang masayang kitakits nila.

Kaaliw ring makita na ang mga sikat na artista ay may name tag o pagkakakilanlan. Sikat man o hindi, o hindi man nagpatuloy sa pagiging artista ngayon.

Well, how time flies. Parang kailan lang, sila-sila ang mga napapanood ko, nai-interview rin minsan. At heto na nga sila ngayon.

Well, sana ay magtuloy-tuloy ang mga ganitong pagkikita-kita nila. Pero, may kasabihan nga, kapag nasa ganitong edad ka na, ang mag-reunion nang mag-reunion ang madalas mong gawin. (Dondon Sermino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?