By

Thanksgiving party ng Ginebra para sa fans

Sharing is caring!

Pagkatapos ng back-to-back championship win sa season-ending PBA Governors’ Cup, magbibigay ang Ginebra ng thanksgiving party para sa kanilang die-hard fans ngayong Biyernes, Disyembre 1, sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

“Everyone knows that we have the best fans in the league and we want to do everything we can to make them happy,” lahad ni Gin Kings veteran Mark Caguioa.

Free admission ang thanksgiving party, pero sa first-come, first-served basis. Alas-11:00 ng umaga magbubukas ang gates.

Ayon kay Ginebra coach Tim Cone, pangalawang selebrasyon na nila ito at para sa fans naman.

“This is our way of giving back to them,” ani Cone. “They’re the ones who bring life to our team and we’re not going to be here right now if not for them.”

Para sa kaligtasan ng lahat, pinapakiusapan ang mga buntis, mga may edad na, at may kapansanan na huwag nang mag-attend. Papapasukin ang mga batang edad 12 pababa kung may kasamang magulang o legal guardians.

“Salamat sa lahat ng fans. Kayo ang patuloy na nag-i-inspire sa team. Kundi dahil sa inyo, wala po tayo dito ngayon,” parating ni San Miguel Corp. president/COO Ramon S. Ang sa naunang victory party ng Kings sa SMC headquarters sa Mandaluyong kamakailan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?