132

Dec 13, 2017 @ 16:46
By

“Thank you Lord, may makakasama na ako forever” – Ai Ai

“Maligayang-maligaya,” ang sagot ni Ai Ai delas Alas nang kumustahin namin kahapon ang kanyang pakiramdam sa unang araw ng pagiging legal na Mrs. Gerald Sibayan niya.

Bago nagsimula ang wedding march ni Ai Ai sa Christ The King Church Greenmeadows noong Martes, December 12, hindi muna siya naglakad, kahit kumakanta na si Martin Nievera ng Ngayon at Kailanman.

Matagal na nakahinto si Ai Ai habang nakapikit kaya tinanong namin kung ano ang nasa isip niya o nagdasal muna ba siya bago lumakad papunta sa altar ng simbahan?

“Akala mo lang, may iniisip ako. Waley, sabi nila kasi sa akin, pumikit daw ako para maganda ‘yung pictures at ma-capture ng video ang moment. Nakakaloka ‘di ba?

“Pero actually, thankful ako kay God. Thank you ako nang thank you na may asawa na ako na makakasama ko forever.

“Pumikit din ako dahil nag-relax lang ako pero ang lamig ko. Ninenerbyos ako,” ang kuwento ni Ai Ai tungkol sa pakiramdam niya sa isa mga mahahalagang bahagi ng kanyang buhay.

Maganda at parang dalaga ang opinyon ng mga invited guest sa itsura ni Ai Ai dahil walang bakas na may age gap sila ni Gerald.

Nakatulong kay Ai Ai ang nakasanayan nito na pagkain ng mga organic food, ang hairdo na pinili niya at ang make-up artist na si Mikey See.

“Oo, ayoko na mukha akong ninang,” ang sabi ng Comedy Queen. Mukha nga raw akong dalaga at walang ka-trace-trace na mas matanda ako kesa kay Gerald. Pinag-pray ko talaga na maganda ako sa araw ng kasal namin,” ang pahayag ni Ai Ai. (Jojo Gabinete)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?