32
views

By

Thailand vs Vietnam sa rice importation ng PH

Sharing is caring!

Padadalhan na ng National Food Authority (NFA) ng imbitasyon ang mga gobyerno ng Thailand at Vietnam na makibahagi sa bidding para sa pag-aangkat ng Pilipinas ng 250,000 metriko tonelada ng bigas.

Tanging ang Thailand at Vietnam lang ang mag-aagawan sa P6.12 bilyong halaga ng kontrata dahil sa kanila lang may kasunduan ang Pilipinas para sa importation ng bigas.

Nabatid na well-milled long grain na bigas ang bibilhin ng Pilipinas sa pamamagitan ng governmet-to-government scheme.

Itinakda na ng NFA sa darating na Abril 19 ang pagbubukas ng mga bid documents at malalaman ang nanalong bidder makalipas ang limang araw.

Base sa kondisyon, ang 200,000 metriko tonelada ng iaangkat na bigas ay dapat dumating sa Pilipinas bago sumapit ang Mayo 31 at ang natitirang 50,000 metriko tonelada ay bago dumating ang Hunyo 30.

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aangkat ng bigas dahil naubos na ang suplay ng murang NFA rice.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?