275

Dec 11, 2019 @ 7:11
By

Thailand sunod na lalaruan ni Espejo

Level up ang career ni volleyball star Marck Espejo sa nakatakdang paglaro sa Thailand League 2020.

Naglabas ang Vishka Volleyball Club ng ikalawang foreign star sa team at kabilang ang PH 6 skipper na nag-silver Martes ng gabi sa 30th SEA Games PH 2019.

Mabigat na hamon pero magandang karanasan para sa 6-foot-3 outside spiker upang tumaas pa at maipamalas ang kanyang kakayahan sa sport.

Naging import na rin ang former Ateneo player sa Oita Miyoshi Wise Surler, V Division 1 sa Japan nitong 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?