45

Mar 1, 2020 @ 16:27
By

Thailand naitala ang unang patay sa coronavirus

Nagkaroon na ng kaso ng pagkamatay dahil coronavirus sa Thailand.

Batay sa report ni Suwanchai Wattanayingcharoen, Department of Disease Contro director-general, isang 25-anyos na lalaki ang namatay sa COVID-19.

Bukod pa sa coronavirus, mayroon din umanong dengue ang nasabing lalaki.

Sa Thailand ay 42 na ang kumpirmadong kaso ng coronavirus, 30 ang gumaling na habang 11 ang nanatili pa rin sa ospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?