13

Sep 17, 2020 @ 19:21
By

Thailand may sarili nang ‘Meteor Garden’ version

Bibida sa Thailand remake ng sikat na “Meteor Garden” ang dalawang lead star ng BL series na “2gether”.

Ayon sa ulat, sina Metawin “Win” Opas-iamkajorn at Vachirawit “Bright” Chiva-aree o mas kilala na “BrightWin” ang gaganap sa mga role nina Dao Ming Si at Hua Zi Lei.

May pamagat itong “F4 Thailand” na ipalalabas sa 2021.

Samantala, nag-post ang producer nito na GMMTV ng mga photo at video teaser ng F4 at ni Shan Cai sa kanilang official social media page.

https://www.facebook.com/gmmtvofficial/videos/322485849047495/?v=322485849047495

https://www.facebook.com/gmmtvofficial/posts/10158430256741224

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?