14

Dec 9, 2020 @ 17:28
By

Thailand bukas na sa turista sa lahat ng bansa

Inalis na ng Thailand ang kanilang paghihigpit sa nasyonalidad para sa mga turistang papasok sa kanilang bansa sa pamamagitan ng Special Tourist Visa (STV).

Ayon sa ulat, sinabi ni Deputy Spokeswoman Ratchada Thanadirek, na epektibo ang STV mula Oktubre 1, 2020 hanggang Setyembre 30, 2021.

Dati pinayagan lamang ang STV sa mga turista mula sa mga bansang may mababang peligro ng COVID-19 infections.

Gayunpaman, 825 katao lamang mula sa 29 na bansa at anim na yate ang nag-apply hanggang sa ngayon para sa STV, na mas mababa kaysa sa pagtatantya ng gobyerno kaya naman napagkasunduan ng gabinete na alisin na ang nationality restrictions para sa mga turista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?