347

By

Thai sensation Mader Sitang nahirapang magladlad dahil abogado

Sharing is caring!

Guest ni Korina Sanchez sa Rated K kagabi ang Thai Internet sensation na si Mader Sitang.

Aliw na aliw kami habang pinapanood namin ang first sensational transgender.

Sambit ni Sitang sa programa: “The people of the Philippines give love for me and follow me. I love the Philippines very much.”

Kahit baluktot ang pananangalog ni Sitang, pinipilit niyang magsalita, pero nangangako siyang pag-aaralan ang pananalita ng Tagalog.

Nalaman namin sa show ni Korina na human rights lawyer pala at fashion designer ang sikat na Thai transgender.

Eksplika ni Sitang na ang real name ay Sitang Buathong. Kaya raw hindi agad nakapag-out ng kanyang totoong katauhan dahil isa siyang human rights lawyer.

Sa ngayon, hindi na raw niya ito napa-praktis.

40 years old na raw siya nang magdesisyon na lumabas sa kanyang shelter kung saan fashion designer na siya sa Bangkok.

Sikat ang head roll dance ni Mader Sitang at maging ang sinasabi niyang ‘sabat’ na ang ibig sabihin ay ‘sayaw na’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?