speedboat2

Thai national, na-rescue matapos mahulog sa speedboat

Sharing is caring!

Nasagip na ang 28-anyos na Thai national na nahulog mula sa speedboat nito sa Coron Bay Anchorage Area sa Coron, Palawan.

Naispatan si Veera Ponkaew ng search and rescue team ng Coast Guard Station, 300 metro sa pantalan ng Coron bago mag-umaga ng Mayo 19.

Isang 30-anyos na British national na si Joshua Stickland ang nag-report sa insidente matapos mahulog ang kasama niya noong Mayo 18.

Sa naging imbestigasyon, nabatid na nag-bar hopping si Ponkaew kasama si Stickland nong Biyernes bago sila sumakay ng speedboat kung saan nawalan ng balanse ang una dahil sa kalasingan kaya nahulog.

Maayos na umano ang lagay ni Ponkaew sa ngayon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?