21

Nov 23, 2021 @ 15:34
By

Text scam na nagbibigay ng pekeng trabaho, iwasan – NPC

Pinaalalahanan ng National Privacy Commission (NPC) ang mga tao tungkol sa paglaganap ng mga text scam na nagbibigay umano ng pekeng trabaho.

Sinabi ni NPC Commissioner Mon Liboro sa Laging Handa briefing nitong Martes na mas makabubuting ‘wag pansinin o i-block na lamang ang numero ng mga nagbibigay ng trabaho na may malaking pasahod.

“These text messages a lot of people are receiving that pretend to provide jobs with large salaries and saying that you will be employed by big companies such as Lazada, are scams. Don’t entertain it, block them instead,” ani Liboro.

Aniya, isa itong uri ng scam para makuha ang personal na impormasyon ng pinadalhan ng message.

Dagdag pa niya, papaniwalain ng mga ito ang mga biktima na bibigyan nila ito ng trabaho na may malaking sahod ngunit kailangan muna nila magbayad bago mabigyan ng komisyon.

“The biggest risk here is that they will also steal money from you because they will say that they will give you a job, but you have to make a payment first before you’re given a commission. You will not realize that you have already deposited a lot of money,” saad nito.

“Those offering jobs that are too good to be true, don’t entertain them,” paalala pa ni Liboro.

Ayon kay Liboro, isang sindikato ang nasa likod ng scam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?