25

Text messaging palaos na ba?

Sharing is caring!

Sa patuloy na pagsulong ng teknolohiya sa mundo, lalo na sa larangan ng komunikasyon kung saan marami nang paraan upang makipag-ugnayan sa iba tulad na lamang ng Facebook at Twitter, ito na kaya ang pagwawakas ng popular na uri ng komunikasyon?

Ayon sa Digital Trends, 25 years na mula nang ‘isilang’ ang pinaka-popular na uri ng mobile communication: ang SMS text message.

Ang SMS o Short Message Service (SMS) ay text messaging o texting kung saan magsusulat ka at magpapadala ng electronic messages na naglalaman ng mga letra at numero.

Disyembre 3, 1992 ang unang araw sa buong mundo na nakapagpadala ng text message.

Ito ay ang mga katagang “Merry Christmas”, ayon sa TechSpot.

Pinadala ito ng sender na Britist engineer na si Neil Papworth gamit ang Vodafone GSM network ngunit nang mga panahong iyon ay wala pang kapasidad ang mga mobile phone na makapag-send ng texts, kaya ang ginawa ni Papworth ay nag-typed siya ng mensahe sa computer at ito ay kanyang ipinadala sa isang Orbitel 901, isang vintage handbag phone.

Ngayon ay nagsisimula na itong unti-unting matabunan ng mga apps tulad ng Facebook Messenger, WhatsApp, at iMessage.

Ngunit hindi pa rin maiaalis ang pagiging popular nito dahil sa madali itong magamit na hindi na kailangan pa ng Wi-Fi o data connection para makapag-send ng text kung saan gamit lang ang cell phone, SIM card at load ay makakapagpadala ka na ng iyong mensahe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?