38

Oct 13, 2021 @ 16:01
By

Text blaster machine haharangin ng NTC online

Ipinagbawal na National Telecommunications Commission (NTC) sa iba’t-ibang mga online selling platform ang pagbebenta ng mga makina na ginagamit sa text blasts.

Ang kautusan ng NTC ay sumasakop sa Facebook, Lazada at Shopee.

Ito ay kaugnay ng kumalat na text blast kamakailan na sa una ay tila emergency alert ngunit kumakampanya pala para kay dating senador Bongbong Marcos.

Ang mga nakatanggap ng naturang text blast ay sari-saring cellphone user na nasa Sofitel Hotel sa kasagsagan ng paghahain ng certificate of candidacy.

Una ng itinanggi ng kampo ni Marcos na sila ang may pakana ng naturang text blast.

Ayon sa NTC, ang text blast ay maaaring naging dulot ng ilegal na paggamit ng ‘portable cell site.’

“The NTC has not authorized the importation, manufacture, sale/distribution, or type approval of the above mentioned equipment,” pahayag ng NTC.

Bukod pa rito, pinagpapaliwanag ng komisyon ang tatlong nabanggit na kompanya kaugnay ng pagbebenta umano nila ng portable cell site equipment. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?