12

By

Testigo laban kay Espinosa, humarap sa pagdinig sa korte

Sharing is caring!

Muling ipinagpatuloy ngayong araw na ito ang pagdinig sa kasong droga laban sa self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa sa Manila Regional Trial Court Branch 26.

Sumalang sa witness stand at cross examination ang testigo ng prosekusyon laban kay Espinosa na si Marcelo Adorco.

Si Adorco ay dating bodyguard ng nasawi na si dating Mayor Rolando Espinosa.

Nagkaroon pa ng problema dahil hirap si Adorco na magsalita at makaunawa ng wikang Tagalog.

Si Judge Silvino Pampilo, Jr., ang nagsilbing interpreter para sa magkabilang panig.

Naaresto si Adorco noong Hulyo 2016 at kabilang sa iprinisintang ebidensiya sa korte ang mga larawan ng pagkakadakip nito.

Siya rin ang nag-iisang testigo ng Criminal Investigation and Detection Group sa reklamong nabasura ng Department of Justice panel of prosecutors noong Disyembre 20, 2017.

Dumalo rin sa nasabing pagdinig si Espinosa na nakasuot ng bulletproof vest.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?