196
supreme-court-sc-001
Oct 23, 2017 @ 12:05

TESEF, kinalampag ang SC

Sumugod sa Supreme Court (SC) ang mga residente ng Maligaya Park sa Pasong Putik para kalampagin ang mga mahistrado na aksiyunan na ang kaso na may kinalaman sa Tala Estate.

Giit ni Fatima Cabanag, secretary-general ng Tala Estate Settlers’ Federation (TESEF), dahil sa mahabang  taon nang pagkakabinbin ng civil case na isinampa ng Republika ng Pilipinas laban sa Biyaya Corporation na kumakatawan sa Tala Estate, lalo namang nalalagay sa alanganin ang mga residente sa mga lugar na nasasakupan nito.

Ang masaklap pa, ayon kay Cabanag, tila inaahente pa ng mga lokal ng Quezon City at Caloocan City ang pagbebenta ng lupa na nakapaloob sa Maligaya Park.

Patunay anila dito ang Ordinance 2299 na ipinasa noong Hunyo 2014 na nag-aapruba sa pagbenta ng 3,337 square meters ng Tala Estate.

Dahil umano sa hakbang ng gobyernong lokal, may ilang mga residente na rin ang na-demolished mula sa kanilang tinitirhan.

Aniya pa, kung hindi aasiyunan ang usapin, magreresulta ito ng mas marami pang pamilyang mapapalayas sa kanilang tinitirhan nang walang relokasyon. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?