56

Aug 17, 2020 @ 23:49

TESDA may libreng training para maging contact tracer

Magbibigay ng libreng pagsasanay ang Technical Education and Skills Development Authority sa mga gustong maging contact tracer.

Setyembre sisimulan ang 15-araw na contact tracing training program na isasagawa sa pamamagitan ng blended learning, ayon sa ulat sa 24 Oras.

Wala itong age limit o requirements basta’t may sampung taong basic education o may alternative learning system certificate na Grade 10 ang mga nais mag-training.

“Contact tracing is a skill. ‘Di naman puwedeng kahit sino na lang so ito ‘yong contribution ng TESDA para mas maraming competent na contact tracers,” paliwanag ni Lina Sarmiento, TESDA deputy director general for technical education and skills development operations.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?