50

Sep 24, 2020 @ 19:32
By

TESDA may hindi nagastos na pondong P11B

Ipinag-aalala nina Senador Joel Villanueva at Senadora Nancy Binay kung kaya pa bang gastusin ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang hindi nagastos nitong pondo simula pa noog 2019 na umabot ng halos P11 bilyon.

Ito’y matapos mapag-alaman sa budget hearing ng TESDA na may P3.6 bilyong unspent budget ang ahensiya noong 2019 at P7.2 bilyon naman ngayong 2020.

Paliwanag naman TESDA Secretary Isidro Lapena, nagkaroon umano ng delay sa kaniang paggastos noong 2019 dahil eleksyon habang nag-slow donw naman nitong ito dahil sa pandemya.

Kaya tinanpng ninay Villaneuva at Binay kung ano ang plano ng TESDA at kung kaya pa ba yang gastusin ito o ibabalik na lang sa treasury.

“We are confident we can use these funds para sa mga kababayn natin dahil marami ang nangangailangan ng training,” sabi ni Lapena.

Aniya, kaya naman nilang punuan ang scholarship slots apra masiguro na sa Disyembre 020 ay nasa higit 21,500 scholars na ang naka-enrol sa kanila.

Nababahala naman si Villanueva sa mababang bilang ng TESDA scholars na naka-enrol ngayong ito.

Umabot lang sa 12,393 lang ang naka-enrol kumpara sa pre COVID-target na 400,000 scholars.

Samantala, umapela ang TESDA na dagdag ng P14 bilyon sa kanilang budget sa 2021 para mapondohan ang ilang sa kanilang mga program sa susunod na taon.

Sabi ni Lapeña, P13.7 bilyon lang inilaan sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP) para sa 2021 – P6.554 bilyon sa tiera one at P7.151 billion naman sa tier 2.

Hiniling nilang gawing P20.042 para sa tier 2 para mapondon ang maraming proyekto sa ilalim ng NEP.

“TESDA will need an additional budget amounting to P14.18 billion to fully implement our programs and projects that are in the pipeline for fiscal year 2021,” sabi Lapeña.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?