458
ABANTE-TNT-tesda-marawi
Mar 21, 2018 @ 19:34

TESDA magsasanay ng 150K trabahador para sa ‘Build, Build, Build’

Sinabi ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na magre-recruit sila ng may 150,000 construction workers para sa ‘Build, Build, Build’ program ng administrasyong Duterte.

Ayon kay TESDA chief Alvin Feliciano sa panayam sa telebisyon, kulang pa ang trabahador na kanilang sasanayin dahil 25,000 katao lang ang nag-enroll para sa programa sa ginanap na unang National Technical and Vocational Education and Training Enrollment and Jobs Bridging noong nakaraang buwan.

Kaya’t magsasagawa ulit ang TESDA ng pangalawang event sa Abril 5 hanggang 6 para makakuha pa ng enrollees na libreng sasanayin.

Sa ilalim umano ng ‘Build, Build, Build’, magtatayo ng paliparan, siyam na railways, mga kalsada at tulay, mga pantalan at iba pa na gagastusan ng P8 trilyon ng gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?