tnt_trillanes
By

Terror tag ni Duterte sa NPA, NDF pambobola lang – Trillanes

Sharing is caring!

Itinuturing ni Senador Antonio Trillanes IV na buladas ang banta ni Pangulong Duterte na idedeklarang terorista ang New Peoples Army (NPA).

Itoy dahil may mga makakaliwa pa umano sa gabinete ng Pangulo.

Ayon sa senador, hanggang hindi sinisipa ang mga makakakaliwa sa gabinete, pakulo lang ang banta laban sa NPA at ginagawa ito para lang mapakalma ang Armed Forces of the Philippines (AFP).

“Until that day that Duterte actually fires all the communists in his cabinet, I will assume that this recurring threat to declare the CPP-NPA-NDF as a terrorist organization is just lip service to appease and deceive the AFP,” pahayag ni Trillanes.

Wala namang pinangalanan si Trillanes sa sinasabi niyang makakomunista sa gabinete.

Una nang nagbanta si Pangulong Duterte na idedeklarang terorista ang NPA gaya ng turing dito ng America mula pa noong 2002.

Bunsod ito ng mga pagsalakay ng NPA sa lugar ng mga sibilyan kung saan may mga napapatay gaya noong sumalakay ang NPA sa Bukidnon noong Nobyembre 9 kung saan may dalawang sibilyan st isang apat na buwang sanggol ang nasawi.

May isang pulis at isang paramilitary member sa Negros Oriental naman ang pinatay sa Davao City noong Nobyembre 13 at 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?