42
npa
By

Terror tag, daan sa ilegal na pag-aresto – lawyers’ group

Sharing is caring!

Magiging daan ng mga ilegal na pag-aresto ang petisyon ng Department of Justice (DOJ) na kilalanin na teroristang grupo ang Communist Party of the Philippines- New People’s Army (CPP-NPA).

Ito ang paniniwala ni Edre Olalia, ng National Union of People’s Lawyers (NUPL).

Aniya, ang lahat ng mga pinaniniwalaang kontra o kumakalaban sa gobyerno ay maari ng maaresto at isailalim sa surveillance gamit ang listahan ng 180 aliases na hawak ng awtoridad.

Samantala, ayon sa grupong Karapatan, kasama sa listahan ang walong katao na matagal ng patay, dalawa ay nawawala mahigit isang dekada na at mga political prisoners.

Tinawag din ang listahan na ‘hit list’ laban sa mga militante at aktibista.

Umaapela ang Karapatan sa gobyerno na bawiin na ang naturang petisyon na inihain sa Manila Regional Trial Court.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?