40

Dec 12, 2017 @ 12:45

‘Terror’ bomber kumana sa NY subway, 4 sugatan

Isang 27-anyos na migrante mula sa Bangladesh ang nagpasabog ng homemade pipe bomb na itinali sa kanyang katawan sa mataong New York subway at ikinasugat ng apat na katao kabilang na ang bomber.

Ayon sa AFP, sinabi umano ng bomber na si Akayed Ullah sa mga imbestigador na gusto niyang maghiganti sa nangyaring US airstrikes sa Islamic State group.

Hindi naging maayos ang pag-detonate ng bomba na gamit niya kaya’t siya lamang ang nagkaroon ng seryosong pinsala sa nangyari na nagtamo ng mga sunog sa katawan.

Habang ang tatlo pa’y masuwerteng pawang mga minor injury lamang ang tinamo.

Nangyari ang pagsabog sa subway station sa Port Authority bus terminal, ‘di kalayuan sa Times Square, na nagdulot ng pagpa-panic sa mga pasahero at pagkaatala ng mga biyahe sa lugar.

Kita umano sa CCTV ang nagkakagulong mga pasahero matapos ang pagsabog kung saan nakitang nakahilata na ang katawan ng bomber nang humupa ang usok.

Ipinag-utos na ni US President Donald Trump ang malalimang imbestigasyon sa insidente at iginiit nito ang mas mahigpit na pagpapatupad ng US immigration rules.

Sinabi nitong ang kasalukuyang ‘lax’ policy ay “allows far too many dangerous, inadequately vetted people to access our country.”

“Today’s attempted mass murder attack in New York City — the second terror attack in New York in the last two months — once again highlights the urgent need for Congress to enact legislative reforms to protect the American people,” dagdag pa ni Trump sa isang pahayag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?