102

By

Terror attack sa Sinai, nabulilyaso ng Egyptian Army

Sharing is caring!

Nabulilyaso ng Egyptian Army ang isang malaking terror attack sa Sinai Peninsula nitong April 14, araw ng Sabado.

Ayon sa Egyptian Army, tinangka ng 14 na jihadist na naka-suot ng mga sinturon na may pampasabog na pasukin ang isang kampo militar sa Sinai Peninsula pero mabilis itong napigilan ng mga miyembro ng security force.

Dahil dito, pinasabog ng mga militante ang kanilang sarili sa labas ng kampo.

Bukod sa mga terorista, walong miyembro ng Egyptian Army ang nasawi sa nasabing suicide bombing.

Mula nang mapatalsik sa puwesto ang islamist president na si Mohamed Morsi noong 2013, nasa daan daang katao na ang napapatay ng mga jihadist sa Sinai na una nang nagdeklara ng katapatan sa Islamic State (ISIS).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?