34

Dec 12, 2017 @ 15:08
By

Terror attack sa NY, kinondena ng Malacañang

Kinondena ng Malacanang ang insidente ng tangkang pagpapasabog sa New York na ikinasugat ng ilang mamamayan nito.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque, walang puwang sa lipunan ang maglunsad ng karahasan bunga ng galit at terorismo.

Ayon kay Roque nakikipag-ugnayan na ang konsulada ng Pilipinas sa mga pilipinong nagtatrabaho at naninirahan sa New York at batay sa paunrang ulat, walang pilipinong nadamay sa subway attack.

Mahigpit na aniyang nakamonitor ang Consulate General sa sitwasyon para matiyak ang kaligtasan ng mga pilipinong nasa New York.

Hinimok ni Roque ang mga pilipino na ipagdasal para sa mabilis na paggaling ang mga nasugatan sa naganap na insidente.

“Terrorism and hate have no place in society. We pray for the speedy recovery of those injured in the New York explosion.

The Department of Foreign Affairs, through our Consulate General in New York, is in touch with the leaders of the Filipino-American community in the city. They reported that no Filipino or Filipino-American has been affected by the incident.

The Consulate General is closely monitoring the situation especially as it pertains to the safety and well-being of our kababayans in New York,” ang pahayag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?