51

Nov 25, 2017 @ 16:06
By

Terror attack sa Egypt mosque, ‘di katanggap-tanggap – Cayetano

Mariin ang pagkondena ng Pilipinas sa pag-atake ng mga terorista sa isang mosque sa Northern Sinai, Egypt na nagresulta sa pagkamatay ng hindi bababa sa 200 katao.

Sa inilabas na pahayag ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, nakiramay na rin ito sa mga biktima at sa kanilang mga pamilya.

“We join the people and government of Egypt and the rest of the world in mourning the loss of many innocent lives in the tragedy,” ani Cayetano sabay dagdag, “Attacks on any place of worship are totally unacceptable.”

Kasabay nito, sinabi ni Cayetano na sinusuportahan niya ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang puwersa ng terorismo ay hindi lang dapat nagkakaisang hinaharap ng mga gobyerno kundi maging ng mga namumuno ng iba’t ibang relihiyon sa mundo.

Sa impormasyon mula kay Philippine Ambassador to Egypt Leslie Baja, ang nilusob na Al-Rawdah Mosque ay sa Bir Al-Abe province, na may 300 kilometro ang layo sa Cairo.

Nagdarasal ang mga biktima nang pasabugin ng isang suicide bomber ang sarili na sinundan nang pagpapaputok ng baril ng ilang terorista.

Wala namang Filipino na nadamay sa panibagong terror attack, ayon pa rin kay Baja.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?