14

Sep 15, 2021 @ 11:39
By

Terror alert sisilipin: Publiko kalma muna – DND

Hiniling ng Department of National Defense (DND) sa publiko na huwag munang mag-panic kaugnay ng pag-alerto ng Japan sa isang terrorist attack sa Pilipinas at lima pang karatig-bansa.

Ayon kay DND spokesperson Arsenio Andolong, dadaan pa sa ‘process of validation’ ang natanggap nilang ulat ng terrorist attack mula sa Japanese Ministry of Foreign Affairs.

“As with all reports concerning the safety and security of our communities, the aforementioned advisory will be subjected to the process of validation,” ani Andolong.

Bukod umano rito, mula pa noong sumiklab ang Marawi siege taong 2017 ay nakaalerto ang DND at ang Armed Forces of the Philippines para magbantay sa posibilidad na maulit ito.

Ang iba pang bansa na inalerto ng Japan tungkol sa terrorist attack ay Indonesia, Singapore, Malaysia, Thailand at Myanmar.

Bagamat wala pang kumpletong detalye sa ulat, sinabi ng Japan na maaaring suicide bombings ang maganap kaya’t umiwas raw muna sa mga religious facilities at matataong lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?