35

Sep 15, 2021 @ 17:06
By

Terror alarm ng Japan dapat seryosohin ng gobyerno

Dapat umanong seryosohin ng gobyerno ang inilabas na terror alarm ng Japan.

Sinabi ni House Committee on Strategic Intelligence chairperson at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na interes ng Japan na pangalagaan ang mga citizen at mga negosyo ng mga kompanya nito na nakakalat sa rehiyon.

“Our sense is, it is best for all of us to take the alarm seriously and heighten our vigilance. Our security forces should take all the necessary precautions,” sabi ni Pimentel.

Ipinaalala rin ni Pimentel ang nangyaring pagdukot ng Abu Sayyaf sa mga dayuhan sa Bohol noong Abril 2017 na nangyari dalawang araw matapos maglabas ng babala ang Estados Unidos.

Noong Lunes ay naglabas ang Foreign Ministry ng Japan sa mga citizen nito na lumayo sa mga religious site at mga pagtitipon sa bansang Indonesia, Pilipinas, Singapore, Malaysia, Thailand at Myanmar dahil sa posibleng pag-atake kasama na ang suicide bombing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?